Gumagamit kami ng cookies para malaman ang mga content o feature na maaring interesado kang gamiting katulad ng live chat. Kung ikaw ay sumasang-ayon sa pag-gamit nito, i-click ang accept.
Mahalagang impormasyon ukol sa kung paano manatiling ligtas online
Ang Markets.com ay nag-ooperate sa buong mundo at ay regulated ng Financial Sector Conduct Authority (FSCA) sa South Africa. Ang inyong seguridad ang aming pangunahing priyoridad.
Karaniwang tinatangka ng mga manloloko na kunin ang iyong personal na impormasyon sa pamamagitan ng pagpapanggap na sila ay isang mapagkakatiwalaang kompanya at/o pagpepresenta sa sarili nila bilang mga empleyado, gamit ang parehong email domain. Mag-ingat sa mga kahina-hinalang email kung saan lumilitaw ang mga domain na katulad ng isang opisyal na pinagmulan ngunit may maliit na pagkakaiba. Ang mga email na ito ay kadalasang naglalaman ng mga pagkakamali sa spelling o hindi wastong pag-format.
Siguraduhin na laging nagsisimula ang domain ng mga website sa https://secured.
Huwag mag-download ng mga file o program mula sa hindi kilalang mga websites patungo sa alinman sa iyong mga device.
Huwag na huwag ibahagi ang detalye ng iyong password o sensitibong account information kanino man. Hindi kailanman hihilingin ng markets.com o iba pang mga kagalang-galang na kumpanya ang mga detalyeng ito. Dagdag pa, siguraduhin na ang iyong personal data ay hindi nakatago sa hindi protektadong hardware kung saan maaari itong maging available sa third party na malware o mga hacker.
Hinihikayat namin kayong kumonsulta sa website ng regulator ng kani-kanilang bansa, bago magsagawa ng negosyo sa anumang mga kumpanya ng pamumuhunan, upang matiyak kung aling mga entity ang lisensyado na magbigay ng mga serbisyo sa pamumuhunan at/o mga aktibidad sa pamumuhunan at ang kanilang mga naaprubahang domain. Bukod pa rito, karamihan sa mga Regulator ay nagpapanatili ng mga naaprubahan at hindi naaprubahang mga domain na higit pang tutulong sa iyo upang tiyakin kung ang isang domain ay naaprubahan ng regulator.
Ang aming mga serbisyo ay hindi sumasaklaw sa pamamahala ng asset o paggarantiya ng mga kita o anumang uri ng mga return on investment. Hindi ka kokontakin ng sinomang empleyado ng markets.com o pipilitin kang mag-invest o magbukas ng espesipikong posisyon o garantiyahan ang anumang kita. Kung nakatanggap kayo ang ganitong uri ng komunikasyon, dapat ninyong suriing mabuti o i-cross check ang ibinigay nilang impormasyon sa mga detalye ng aming kompanya na available sa footer ng aming website at ipaalam sa kanila na isusumbong ninyo ito sa lokal na mga awtoridad.
Ang desisyong pondohan ang iyong account ay pawang iyo lamang, at matutulungan ka namin sa iyong kahilingan sa pamamagitan ng pagkontak sa Customer Support. Ang tanging rason na direktang makikipag-ugnayan kami sa iyo tungkol sa pagbabayad ay kung ang mga pondo ng iyong account ay mas mababa sa kinakailangang margin (margin call). Kung sakaling kontakin ka ng sinuman na nag-uutos sa iyo na mag-deposit o i-wire ang iyong pera kahit saan – malamang na isa itong pagtatangka para linlangin ka. Hindi pinangangasiwaan ng markets.com ang iyong account, ikaw lamang ang tanging nangangasiwa sa iyong account. Mahalagang banggitin na kaugnay ng anumang pagbabayad para pondohan ang iyong account sa amin, ang legal na pangalan ng kompanya ang gagamitin bilang billing descriptor sa mga detalye ng bank account. Pansinin na ang mga detalye at solusyon ng pagbabayad sa kompanya ay available online sa pamamagitan ng aming cashier.
Karagdagagan pa, walang kita ang ipinapangako, at gaya ng malinaw na sinasabi ng aming High Risk Investment Warning, ang mga CFD ay masalimuot na instrumento at may nauugnay na panganib ng pagkawala ng pera.
Mangyaring tandaan na ang aming mga detalye sa pakikipag-ugnayan ay palaging makikita sa footer ng aming website.
Ang mga scammer ay minsan magrerehistro ng mga katulad na domain, na may maliit na pagkakaiba sa spelling, at kopyahin ang aming disenyo ng website sa isang pagtatangka para linlangin ang mga bisita. Ang mga kopyang ito ay maaaring maging lubhang kapani-paniwala.
Ibinibigay namin sa ibaba ang listahan ng mga mapanlinlang na website na natukoy namin sa paglipas ng panahon, gayunman, mahalagang tandaan na hindi kumpleto ang listahang ito.
uxcoins.io
promarketsfinance.com
Dapat mong iwasan ang pakikipagkomunikasyon sa mga website sa itaas.
Nangangako sila ng garantisadong pagbabalik ng kita at hinihimok ang mga mamumuhunan na magdeposito ng mga pondo sa pamamagitan ng wire transfer sa iba't ibang bank account na may iba't ibang benepisyaryo.
Hinihikayat nila ang mga mamumuhunan na gumawa ng mga karagdagang deposito para sa pagbayad ng buwis upang makapagpatuloy sila sa pag-withdraw ng kanilang balanse sa account o kanilang mga deposito.
Nagbibigay sila ng pekeng dokumentasyon gaya ng mga brochure, kontrata at/o garantiya sa bangko na nagtataglay ng hindi awtorisado at hindi na-verify na mga pirmang elektroniko na nagmula sa impormasyong magagamit sa publiko.
Hinihiling nila sa mga mamumuhunan na ibahagi sa kanila ang mga detalye ng bank account at/o mga detalye ng credit card o iba pang personal na data sa telepono, na isang bagay na hindi namin kailanman hihilingin sa iyo na gawin.
Ipinakikilala nila ang kanilang sarili bilang nakatalagang asset manager at contact person ng kliyente. Tandaan na ang mga kliyente lang ang nangangasiwa sa kanilang sariling account, walang account ang pinangangasiwaan ng Kompanya o ng mga empleyado nito.
Maling ipinapaalam nila sa mga mamumuhunan na isinasara ng Kumpanya ang mga retail client account nito at ina-upgrade nito ang lahat ng account sa corporate at/o propesyonal na mga account at samakatuwid ay kwalipikadong tumanggap ng refund upang maakit ang mga mamumuhunan na magdeposito ng mga pondo.
Maling ipinaalam nila sa iyo na inililipat ng Kumpanya ang iyong account sa ibang entity ng grupo, at hinihiling nila ang mga detalye ng iyong bank account at iba pang personal na impormasyon upang makumpleto ang paglilipat.
Agad na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa legal@markets.com, privacy@markets.com at sa iyong lokal na pulisya.
Ganito ang gawin kung sakaling makatanggap ka ng anumang hindi mo kilalang tawag sa telepono, email o SMS mula sa sumusubok na magpanggap bilang Market o anumang iba pang mapagkakatiwalaang third party na nakakatransaksyon namin. Para sa karagdagang detalye sa mga third party kung saan namin ibinibigay ang ilan sa impormasyon mo, pakitingnan ang aming Polisiya sa Privacy. Mangyaring makipag-ugnayan din sa amin kung may mapansin kang anumang hindi awtorisadong transaksyon sa iyong account o maghinala na maaaring may access ang isang third party sa impormasyon ng iyong account.
Kapag sumusunod sa mga link mula sa mga pahina ng Social Media, pakitiyak na ididirekta ka sa isa sa mga opisyal na website sa itaas, dahil maaari ring mag-set up ang mga scammer ng mga pekeng profile sa Social Media sa pagtatangkang idirekta ang mga user sa mga huwad na website.
Para makausap kami nang direkta, mag-click lang sa Customer Support para ma-access ang aming Live Chat function.
Tulungan kaming lutasin ang online na pandaraya sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan agad sa amin kung mayroon kang anumang hinala.
Mayroon kaming matatag na team ng propesyonal na laging sinusubaybayan ang di-pangkaraniwan at iregular na aktibidad sa mga online na aktibidad at mga pagbabayad. Handa silang tumugon sa anumang kahilingan o insidente na maaaring mangyari. Mangyaring makipag-ugnayan sa Customer Support para sa anumang kahina-hinalang aktibidad na nangyayari sa iyong account.
Ang aming Data Protection Officer ay tinitiyak ang pagsunod sa GDPR sa loob ng markets.com. Ang kompenya ay regular na ino-audit ng internal at external na parties sa pamamagitan ng mga controls at monitoring tools na ginamit para protektahan ang aming mga systems at data. Mangyaring makipag-ugnayan sa aming Data Protection Office sa privacy@markets.com
Patuloy na subaybayan ang page na ito para sa karagdagang mapanlinlang na website na napag-alamang nagpapanggap bilang ang Kompanya, ang markets.com brand o ang aming holding company.
Maasahan nyo kami. Narito kung paano makipag-ugnayan sa amin para sa personalized na tulong.
[]
[]
0 of 0array:15 [▼ "accept-encoding" => array:1 [▶ 0 => "gzip, deflate, br, zstd" ] "sec-fetch-dest" => array:1 [▶ 0 => "document" ] "sec-fetch-user" => array:1 [▶ 0 => "?1" ] "sec-fetch-mode" => array:1 [▶ 0 => "navigate" ] "sec-fetch-site" => array:1 [▶ 0 => "none" ] "accept" => array:1 [▶ 0 => "text/html,application/xhtml+xml,application/xml;q=0.9,image/avif,image/webp,image/apng,*/*;q=0.8,application/signed-exchange;v=b3;q=0.7" ] "user-agent" => array:1 [▶ 0 => "Mozilla/5.0 AppleWebKit/537.36 (KHTML, like Gecko; compatible; ClaudeBot/1.0; +claudebot@anthropic.com)" ] "upgrade-insecure-requests" => array:1 [▶ 0 => "1" ] "sec-ch-ua-platform" => array:1 [▶ 0 => ""Windows"" ] "sec-ch-ua-mobile" => array:1 [▶ 0 => "?0" ] "sec-ch-ua" => array:1 [▶ 0 => ""HeadlessChrome";v="129", "Not=A?Brand";v="8", "Chromium";v="129"" ] "cache-control" => array:1 [▶ 0 => "no-cache" ] "pragma" => array:1 [▶ 0 => "no-cache" ] "connection" => array:1 [▶ 0 => "keep-alive" ] "host" => array:1 [▶ 0 => "web-qa.staging.markets.com" ] ]
[]
0 of 0array:3 [▼ "content-type" => array:1 [▶ 0 => "text/html; charset=UTF-8" ] "cache-control" => array:1 [▶ 0 => "no-cache, private" ] "date" => array:1 [▶ 0 => "Tue, 08 Apr 2025 02:35:41 GMT" ] ]
0 of 0array:1 [▼ "_token" => "OYWzLa2Ru3X9uYWZlspOCf1ADoUNdl3kpIes5Xbt" ]
1 x Application (99.3%) | 4.49s |
1 x Booting (0.7%) | 31.80ms |
1 x Routing (0.07%) | 3.05ms |
Gumagamit kami ng cookies para malaman ang mga content o feature na maaring interesado kang gamiting katulad ng live chat. Kung ikaw ay sumasang-ayon sa pag-gamit nito, i-click ang accept.